Saturday, June 5, 2010

FALSE HOPES

Dalawang buwan ang nakakalipas nang sabihin mo sakin na hindi ka muna magpaparamdam. Dalawang buwan na wala tayong communication. Tinanong kita kung bakit. Ang sabi mo lang, katulad ng dati, mag-iipon para may pambili ng sim, dahil may katawagan kang lilipat sa Sun. Hindi ko alam kung ano ang motibo o gusto mong iparating, pero tinanggap ko. Lumipas ang isang linggo nang malaman ko na nag-aaral ka pala sa isang eskwelahan na sinabi mo sakin na hindi mo papasukan dahil hindi mo kaya. Maraming tanong ang naglaro sa isip ko. Akala ko, kaibigan mo ko, isa ako sa pinagkakatiwalaan mo, pero bakit kailangang sa iba ko malaman yung bagay na 'yon? Sabi nila, kasi ayaw mo lang daw akong malungkot. Pero ano yung nararamdaman ko? Hindi ba ako nalungkot? Kahit ganon, pilit kong tinanggap lahat.

Lumakad ang oras, dumaan ang mga araw, nagpatuloy ako sa buhay ko. Nagpatuloy at nasanay na wala ng magtetext sakin ng "Musta?" at pagkatapos ko sagutin ay ilang oras bago sumagot uli. Binibilang ko ang bawat araw na lumlipas, umaasa ako na bumilis ang panahon para makalabas ka na ulit. Ang daming bagay ang umikot sa isip ko sa loob ng dalawang buwan. Palagi kong pinagdadasal na sana, okay ka doon, na kayanin mo ang lahat, na safe ka, kasi sabi mo nga, hindi kaya ng katawan mo don.


Sa bawat araw na lumilipas, maraming words of wisdom ang lumalabas sakin, kasabay ng pagdagdag ng kaalaman sa utak ko dahil sa review namin. Maraming mga bagay ang nailalagay at naibabahagi ko sa aking Facebook. Mga realizations habang lumilipas ang araw na wala ka at lumalapit sa araw ng pagbabalik mo. Umaasa ako na tulad ka pa rin ng dati na makulit. Na kaya akong pangitiin sa pinakasimpleng paaraan. Pero hanggang pag-asa lang pala lahat 'yon. Hanggang pag-asa lang lahat ng mga bagay na naglaro at tumakbo sa isip ko sa loob ng nakalipas na dalawang buwan.


Dumating ang araw na matagal kong hinintay. Kasabay ng panunuod ko ng pelikulang Up ay ang paghihintay ko sa isang mensahe mula sa'yo. Sa bawat pag-ilaw ng telepono ko, hinihiling ko na galing sa'yo yon. Pero wala. Pero hindi. Natapos ang gabi. Ni Hi, ni Hello, wala akong natanggap. Araw ng Sabado, umilaw ang telepono ko. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Masyado na akong umasa at nasaktra. Gusto ko pa, pero gusto ko ng itigil. Gusto ko pa pero tama na. Nagdesisyon akong matulog, umaasa na sa paggising ko ay malinawan na lahat ng pag-aalinlangan ko.


Paggising ko ay napagdesisyunan ko na batiin ka ng happy birthday. Matagal bago sumagot. Lumipas ang labinlimang minuto bago sumagot ng "Tnx.". Hindi ako nakunteto, gusto kitang makausap. Tinext ulit kita, ang sagot mo "Ang Pangt ng Pangalan.parang anak Lng ni Kris." Kinamusta kita, hindi ka na sumagot. Buong gabi akong naghintay, nagbabaka sakaling magkakausap tayo ng maayos kahit saglit. Saka lang ako natauhan, na kaibigan mo nga lang pala ako. Na hindi ka naman nangako na mag-uusap tayo pagbalik mo. Pasensya ka na,
assuming kasi ako.

Sabi mo kasi, ako lang ang nakakaintindi, nagpapahalaga at nagmamahal sa'yo. At akala ko, isa ako sa mga itinuturing mong kaibigan. In less than 12 hours, babalik ka na sa loob. Hindi ko alam kung kailan ka ulit lalabas. Hindi ko alam kung kailan ulit tayo makakapagkwentuhan. Hindi ko alam kung sa susunod na paglabas mo ay maaalala mo pa ko. Gusto kong magalit sa'yo. Gusto kitang awayin. Kaso hindi ko magawa, kasi wala akong karapatan. Naiinis ako sa sarili ko, kasi naniwala at umasa ako sa isang bagay na ako lang pala ang nakakaalam.


Sana, sa susunod na paglabas mo, maaalala mo pa rin ako. Sana, pwede tayong makapagkwentuhan ulit. Pero kung hindi man mangyari yon, magpapasalamat pa rin ako, dahil kahit papano, napangiti o ako. Kahit papano, naramdaman ko kung paano tawanan at maging masaya sa gitna ng problema. Magpapasalamat pa rin ako kasi kahit sandali, naging parte ka ng buhay ko, at nakapagbahagi ka ng sarili mo. Kaya kahit gaano kasakit at kahirap, pipilitin kong tanggapin. Kahit masakit, uunawain ko. Pero madidisappoint ako, kasi
I thought you were a whole lot better than this.

SENIOR YEAR, HUMANDA KA SAKIN, PARATING NA KO.

Isang linggo at isang araw mula ngayon, isa na kong ganap na housemate. Wala mang camera 24/7, hindi man nakikita ng buong mundo ang bawat kilos at galaw, nasa loob pa rin kami ng isang malaking tahanan. Kaming mga "housemate" na magkakaiba ang personalidad at pananaw sa buhay ay maglalagi at magsasama sama sa isang tahanan sa loob ng sampung buwan. Sa tahanang ito, huhubugin ang aming mga pagkatao, pagyayamanin ang aming mga kakayanan at talento, wawastuhin ang mga pagkakamali at ihahanda sa pagharap sa pinakamalaking pagsubok, ang pagharap sa "outside world". Hindi lang iisa ang magsisilbing "kuya" namin, marami sila. Sila na tutulong samin upang maabot ang aming mga pangarap, gagabay patungo sa tamang landas at magpapatatag upang kayanin ang pagtatagal sa tahanang ito na kung tawagin ay "paaralan".

Owver, masyadong PBB inspired ang intro ha. Balik tayo sa reality.

Isang linggo at isang araw mula ngayon, papasok ako sa paaralan bilang isang 4th year high school student. Nakakaexcite, nakakapanibago, nakakatakot. Napakabilis ng panahon, na dati, ang tanging problema ko lang ay kung sino at nasaan ang susundo sakin kapag uwian. Napakabilis na dati ay pagsulat at pagbasa pa lamang ang itinuturo sa amin. Napakabilis na dati ay nagsisimula pa lang ako mag-aral, ngayon ay ilang taon na lang ay magtatapos na ko sa pag-aaral.

Nakakaexcite, dahil panibagong taon na naman. Panibagong mga kaklase, mga lesson, mga experience at prebilehiyo dahil mas matanda na. Panibago at huling pagkakataon para maiayos ang lahat at maghanda sa buhay kolehiyo. Nakakapanibago, dahil hindi na parating nandyan ang mga guro para sabihin samin ang dapat gawin, sariling sikap na. Hindi na palaging ituturo ang tama at ang mali, ikaw mismo sa sarili mo ang tutuklas at magkukumpara dito. Nakakatakot, dahil panigurado, mas mabibigat na hamon ang kailangang harapin. Panibagong mga lesson na dapat intindihin, panibagong mga responsibilidad ang dapat tuparin. Dahil 4th year na, nakatutok lahat ng mata samin, sa bawat mali namin. Isang mali lang, maaaring makaapekto pagdating ng graduation. Isang mali lang, maaaring hindi ko makuha ang inaasam kong pagiging isa sa Top 3. Isang mali lang, maaaring hindi kami makagraduate.

Katulad ng pagtira sa Bahay ni Kuya, may malaking epekto ang bawat kilos sa pananatili sa loob. Ngunit hindi naman kinakailangang magkunwaring iba para mapatunayan na karapat dapat ka. Ang kailangan dito, ang pagpapakita ng kung sino ang tunay na ikaw, walang pagkukunwari, walang pagtatago. Kunsabagay, kung talaga namang wala kang dapat itago e bakit ka magkukunwari. Magpakatotoo ka lang.

Marami akong natutunan sa nakaraang taon bilang isang 3rd year. Natutunan ko hindi lamang sa mga taong nakapaligid sakin kundi pati na rin sa mga karanasan ko. Mga bagay na hindi ko makakalimutan hanggang sa tumanda ako. Mga bagay na alam ko na makakatulong sakin hindi lang sa pag-aaral ko kundi na rin sa pang-araw araw na buhay ko.

Natutunan kong ipaglaban ang kung ano ang sa tingin ko ay tama. Madalas kong kalabanin ang teacher ko sa English, dahil madalas, may mga pagkakamali sya sa mga naisusulat sa blackboard, dala na rin ng paninibago dahil bago pa lamang sya. Kahit na hindi sumasang ayon sakin ang kaibigan at mga kaklase ko, sa pagaakalang tama ang lahat ng tinuturo ng teacher, hindi ako nagpatinag. Pinanindigan ko ang sinabi ko. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng tinuturo ng teacher e mali, hindi lang talaga maiiwasan kung minsan na magkamali sila dahil tao lang din naman sila. Pinanindigan ko ang sa tingin ko ay tama. At sa huli, ako pa rin ang nagtagumpay. Hindi ko naman ginagawa yon para ipahiya ang teacher ko, ginagawa ko yon para rin sa mga kaklase ko, para hindi rin sila malito.

Natutunan ko rin na kahit anong kabutihan ang ipakita mo sa isang tao, darating at darating ang panahon at pagkakataon na masasaktan ka nya, sinadya man o hindi. Na sa mundong ito, hindi lahat ng kabutihan ay nasusuklian din ng kabutihan. Kaya nga "Life is unfair". Kasi, pilit man nating iwasan, dadating pa rin tayo sa pagkakataong makakasakit ng taong nagbigay at nagpahalaga sa atin. Na hindi lahat ng tao na pakikitaan mo ng mabuti e ganun din ang gagawin sa'yo.

Natutunan ko, na ang pinakamatalik mo palang kaibigan e pwede mong maging pinakamasamang kaaway. Katulad din nung isa, hindi lahat ng pakikitaan mo ng mabuti e ganun din ang ipapakita sa'yo.
Hindi nasusukat ang pagkakaibigan sa kung gaano na kayo katagal magkaibigan, o gaano karami na ang inyong napagdaanan. Nasusukat ang tatag ng samahan sa kung gaano katatag ang hawak nyo sa isa't isa sa bawat unos na pagdadaanan nyo. Hindi porket sya ang kasama mo lagi, e sya na ang makakasama mo habambuhay. Sabi ng nanay ko, bata pa ako, marami pa akong makikilala at magiging kaibigan. Marami pang dadating sa buhay ko na mas karapat dapat kong pagtuunan ng atensyon, tiwala at pagmamahal bilang bestfriend.

Natutunan ko din na ang oras ay napakahalaga. Madalas, sinasayang ko lang yon sa mga walang kwentang bagay. Kapag may project kami, hindi ko agad ginagawa dahil matagal pa ang deadline. Ang ending, nagcacram ako. Pakiramdam ko, mas nagiging maganda ang kinakalabasan kapag nagcacramming ako. Pero hindi pala. Kaya ngayon, mas pahahalagahan ko na ang bawat segundo na lilipas.

Higit sa lahat, natutunan ko na may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Hindi lahat ng bagay ay madadaan sa madalian. Kailangang antayin ang oras kung saan maaari na talaga itong ibahagi, kuhanin, o tanggapin. Katulad ng paglalaro ng Farmville at Cafe World, kailangang antayin mo itong mahinog at maluto bago mo ito maharvest at maiserve. Darating ang oras at panahon kung kailan mapapakinabangan at magagamit mo na ito at masasabi mo sa sarili mo na hindi sayang ang paghihintay mo.

Kung tutuusin, 4th year high school na talaga ako, dahil nakapagenroll na ko at nakabili na rin ako ng libro. Pasukan na lang ang inaantay ko para masabing Senior na nga ako. Senior high school ha? Hindi ko alam kung anong mararamdam ko. Marami sa kanila ang naeexcite. Pero ako, halu halo. Gusto ko pa na ayoko. Magulo. Pero sige, kaya ko 'to. Senior year, BRING IT ON! :)


*PS. Habang sinusulat ko 'to, pinapakinggan ko yung tugtog pag graduation march. Para lang feel. Haha! :)*

Saturday, May 22, 2010

PROMiSES ARE MADE TO BE BROKEN

"Bakit ba badtrip ka na naman??"

Tanong sakin kanina ng isang kaibigan na di sinasadyang isa sa mga dahilan ng pagiging badtrip ko. Sa labinlimang taon ko dito sa mundo, palagi lang akong pangalawa. Madalang pa sa patak ng ulan kapag nauna ko. Palagi akong pangalawa, sa pamilya, sa pag-aaral, pati sa kaibigan.

Masakit, kasi akala ko katulad pa rin sya ng dati. Na ako lagi ang una sa listahan nya, yata. Na lahat ng pangyayari sa buhay ko, alam nya, at ganun din sya sakin. Na hindi lumilipas ang bawat araw na hindi kami nagkakausap. Kaso hindi na. Mali ako. Kasi akala ko, kapag ginusto ko syang kausapin ngayon ng kaming dalawa lang, magagawa ko pa. Pero hindi na. Marami ng nagbago. Sa sandaling panahon na nakahanap ako ng mga karagdagang kaibigan, nawala na ang pagiging Top 1 ko. Sa sandaling panahon na may mga bagong taong dumating sa buhay ko, nagbago ang lahat sa pagitan naming dalawa. Sa tuwing gusto ko syang kausapin ng kami lang, maaaring tulog sya, o kaya may kausap na mas mahalaga sakin.

Hindi ko naman sya masisisi. At ayoko ng makasakit. Ayoko ng maulit na papapiliin ko ang kaibigan ko, kung ako o ang mahal nya. Hindi naman ako makasarili. Hindi ko naman sya pag-aari para gawin ko yon. Tama na, na nagawa ko yun minsan at lubos kong pinagsisihan. Kung tutuusin, kasalanan ko rin naman, na umasa ako na ako pa rin, na alam ko naman na imposible lalo ngayon iba ng ang prayoridad nya.

Masakit, kasi umasa ako sa pangako nila na walang magbabago. Na hindi mababago ang ugnayan namin, na ako pa rin ang bunso nya. :'( Na kapag kinailangan ko ng kausap kapag malungkot ako, nandyan sya. Na kapag may nang-aaway sakin, sya ang reresbak. Kaso hindi na ngayon. Kailangan ko ng maging matatag, na hindi sa lahat ng pagkakataon, nandyan sya, na handang kausapin at patawanin ako.

Sabi nila, mas maganda na yung tayo ang nasasaktan, kaysa tayo ang nananakit. Pero pano kung sa lahat ng pagkakataon, ikaw ang masasaktan? Paninindigan mo pa ba yung kasabihan na yon? Kung sa bawat nangyayari e ikaw ang naaagrabyado?

Totoo nga yung nabasa ko dati sa quote, na kapag ang kaibigan mo ay nagkaroon ng love life, hindi ka na masyadong kakausapin. Naiintindihan ko naman yon. Dahil nga hindi na lang ako ang mahalaga sa kanya, dalawa na kami. Kaya kahit masakit, kailangan kong tanggapin, na sa mga panahong kailangang kailangan ko sya, e wala sya. Na hindi na ako ang Top 1 sa buhay nya. Na kailangan kong maging malakas para harapin mag-isa ang bawat problemang pagdadaanan ko.

Sana, pwedeng ibalik lahat sa dati. Kasi sobra sobrang namimiss ko na ang Ate ko, ang Mommy ko, si Agua, si Tabz, si Bhie ko. :'(

Friday, May 7, 2010

GRANDMA'S KiSSES

Kagabi, nanunuod ako ng Spongebob Squarepants. Ang setting, si Spongebob, excited na pumunta sa Lola nya para kumain ng chocolate chip cookies at uminom ng hot milk, para makinig ng bedtime stories at para magsuot ng sweater with love on every stitch. Tapos biglang dumating si Kuya ko, sabi nya, "Bakit si Spongebob excited??" Natawa ako. Nagets ko yung sinabi nya. Nakakapagtaka nga naman kung bakit halos lahat yata ng bata, excited tuwing pupunta sa lola nila, pero kami? No comment. Alam na namin sa sarili namin kung bakit.

Alam ko masamang mainggit. Pero sa tuwing makakakita o makakapanuod ako ng mga bata na close sa lola nila, di ko maiwasang hindi maramadaman. Buti pa si Gwen, close kay Mama Pet, si Bendita, spoiled kay Wowa. Pero kami? Hay. After all, tao lang din naman ako. Taong naghahanap ng unconditional love mula sa isang lola. Pero pano ko magagawang maglambing at pasayahin ang isang tao na kahit ang sarili nya e hindi nya kayang pasayahin?

Kanina, nagising ako sa ingay ng pag-dedebate ni Nanay at ni Mama. Pinilit kong baliwalain at matulog na lang ulit. Kaso hindi ko kaya. Kami pala ang pinagtatalunan nila. Kami na inaabot daw ng madaling araw sa TV at computer. Sa isang banda, tama naman ang lola ko, na sayang sa kuryente at napupuyat kami. Pero pano kung yun lang ang paraan para matakasan namin ang lupit at katotohanan na nakikitira lang kami, na hindi lahat ng gusto naming gawin ay pwede? Oo, yun lang ang naiisip kong paraan. Ang magpuyat para mas matagal akong tulog.

Nakakalungkot. Na sa edad ng lola ko na yon, lahat ng bagay e pinoproblema nya pa. Sana, magpahinga na lang sya. Sabi ni Mama, yung ibang lola daw, hindi naman ganon, hinahayaan lang yung apo na maglibang. Tama naman din si Mama ko. Iba ang lola ko sa lahat. Ibang iba. Sana sa edad nya na yon, magpahinga na sya at maglibang kasama ang lolo ko. Ienjoy na lang sana nila yung buhay nila at wag ng mag-isip ng kahit ano.

Naisip ko tuloy bigla si Ima. Alam ko, mortal na kasalanan ang pagkukumpara. Pero, sa tuwing naiisip ko ang mga ginagawa dati ni Ima at ni Nanay ngayon, mahirap iwasan. Grade 3 pa lang ako nung mamatay si Ima. Nung nasa Tarlac pa kami, sinusundo ako ni Papa sa school tapos didiretso kami kina Ima. Doon, hinahayaan nya kong manuod ng TV, kumain, at mag-enjoy. Naaalala ko pa, madalas nya kong bigyan ng Sundot Kulangot at kung anu ano pang delicacies mula sa Baguio. Nakakamiss yung ganon. Kapag New Year, binibigyan namin ng pera si Ima, kahit na P20 o P50. Sobrang namimiss ko na si Ima. :'(

Mabalik tayo sa Nanay ko. Ibang iba sya. Alam ko, ang tingin nyo sakin e bastos at walang pagmamahal sa lola. Pero sinasabi ko sa inyo, kung pwede lang palitan ang Lola. Kung pwede nyo lang subukan ang lumugar dito. Sino ba naman ang hindi gustong maglambing sa lola nila? Na samahan na lang ang matanda sa mga natitira nyang araw sa mundo? Na magsuot ng sweater with love on every stitch? Sabi ko nga, tao lang din ako. Pangarap ko din yon. Ang makabonding ang lola ko, ang maglambing sa kanya. Pero pano ko gagawin yon, kung ang atensyon nya e nasa ibang bagay? Mga bagay ng hindi karaniwan na pinagtutuunan ng pansin ng matatanda?

Sana, bago man lang sila mawala, maayos na 'to. Sana, may magsabog ng magic at gawin ang lola ko na tulad ng ibang lola, gaya ng lola ni Spongebob, na pinaghahanda ang apo ng chocolate chip cookies at hot milk, binabasahan ng bedtime stories, at pinagtatahi ng sweater with love on every stitch.

Saturday, April 3, 2010

The Resiliency of a Filipino (Speech Choir Piece)

The Resiliency of a Filipino
by William G. Bacani

B : Filipino is resilient
G : Since time immemorial, we are tested by countless calamities; volcanic eruptions, devastating earthquakes and lahar flows, super typhoons, flash floods and landslides.
B : Victoriously, we surmounted these ordeals and pains, beyond imagination of the human race
G : Instant death of our loved ones, claimed by transportation mishaps and natural disasters. Thousands also die in hunger and malnutrition.
All : Including ambushes and endless wars in Mindanao. They trampled our basic human rights, such as the right to live
G (solo) : I lost my loving husband, who didn't want to join Abu Sayyaf.
G (solo) : I lost my only son, who opted to become a military man.
G : We lost our innocent children and women, we lost our homes and properties.
B : Survivors are Filipinos. The wrath of nature and cruel destiny may steal everything from us.
B (solo) : Wealth, properties, and family
All : But the Filipinos never give up
B : For us we are continuously scourged by the test of time. The spirit to survive and to bounce back remains undefeated
All : I'm as pliant as a bamboo for I'm a man of Earth
G : My hair may all be blown away by the winds
B : And my legs may be crippled by the smash of waves
All : But I will stand and pick up the shattered pieces of myself and continue to live
B : Resolute to survive, clothed with an inspiration to live, not only for my family but also for my beloved country
All : Filipinos unite in the midst of crisis, regardless of socio-economic status, tradition and creed
G : The world has seen the magnanimous spirit of the Filipinos in crucial times.
All : The gap between the rich and the poor was narrowed
G (solo) : Envy was replaced by sympathy
G (solo) : Hatred was conquered by love
B (solo) : Selfishness was set aside
B : And saving one's live is the ultimate desire
All : History tells us that the Filipinos have captured innumerable foes, natural and not. And shall always strive to champion in all odds. Because innate in the Filipino is the will to survive
B : We may be daunted by the horrible scenes around us. But certainly, we will be strengthened by our unwavering faith in God.
G : We have been lotted by many nations in the world, for our resiliency during disasters, others die in saving lives.
All : But only few realize, that we are able to survive, because our spirit to fight is deeply anchored from faith, that God Almighty will never forsake us.
B (solo) : I believe that Filipinos, divided by varied doctrines and cultures, are capable to be on top of any situation, if united
All : Together, we can face any challenge ahead of us.
B : We may stumble and fall
All : But we will bounce back, arms stronger with vision and faith, that after darkness, after pains and sufferings, the Filipino survives, the Filipino is resilient.



Sunday, February 14, 2010

:|

What am I afraid of?

Cockroaches, clowns, falling, death, failure and thieves. And stuff related to you

Like, I’m afraid you’ll finally meet the girl we talk about. I’m afraid that you’ll meet her and you’ll fall in love with her and she’ll fall in love with you too and you’ll ask me for help to attract her attention and, even though it’s like stepping on broken glass for me, I’ll help.

Of course I’ll help. I’m afraid that you’ll choose her, like you did with all those other girls, over me. I’m afraid that if you two get together, I’ll start counting the days until you two break up but then you guys will never break up and so I’ll spend my life counting and waiting. I’m just afraid that I’ll lose you, okay? Does that answer your question? :|

iKAW. OO. iKAW.

Not just once, not just twice, but countless times. Hindi lang tayo isang beses nagkatampuhan/nagkagulo. But despite all those, nanatili ka pa din sa tabi ko, nanatili ka pa ding nagmamahal sakin. Nanatili ka pa ding nandyan para suportahan ako sa bawat pagsubok na dadaanan ko.

Mahal kita. Alam mo yon. Kung hindi man, may Diyos na nakakakita satin. May Diyos na nakakaalam kung gano ka kahalaga sakin. Hindi mo man nararamdaman, pero Siya, alam Niya yon. Kasi, sa tanang buhay ko, ikaw lang ang taong nagparamdam at nagparealize sakin kung gaano kaganda ang buhay. Kung gaano kasarap mabuhay. At kung paano pahalagahan ang mga bagay bagay at taong nakapaligid sakin.

Hindi naman ako nagsulat para saktan ka, paringgan ka o anu man. Sinulat ko yon, dahil yun lang ang tanging paraan para malabas ko ang lahat lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko hinihinging umalis ka sa buhay ko. Hindi ko din hinihinging umalis ka sa buhay niya. Ang gusto ko lang mangyari, mailabas yung nararamdaman ko. Yun lang. Nothing more, nothing less.

Unti unti ko ng tinatanggap ang mga pangyayari, kahit sobrang sakit. Na mas mahalaga ka na sa kanya. Ano bang magagawa ko, buhay nya yon. Desisyon nya yon. At narealize ko, na kahit ilang beses pa tayong magkagulo o magkaaway, walang pakialam yung taong nagiging dahilan kung bakit tayo nagkakaganito. Kasi, ganon sya. Alam ko yon. At alam mo din yon.

Kung nasaktan ka man sa sinulat ko, sorry. Unintentional yon. Patay. Tinamaan pa ko sa sinabi ko. Tss. Pero ganun pa man, gusto ko lang malaman mo na ayoko na umalis ka sa buhay ko. Walang kong sinabing lumayas ka. Hindi kita pinapayagang umalis. Bleh. Malapit na tayong mag-isang taon. Magkakagulo pa ba tayo?

Bago matapos 'tong araw na 'to, gusto ko magkaayos tayo. Gusto ko, magkabati tayo. Kayo. Kung may mga naisulat man ako na nasaktan, inuulit ko, unintentional yon. Siguro nga sobrang nasaktan lang ako. Kasi, may damdamin din naman ako, parang ikaw. Alam mong wala kong ibang nakakausap kundi ikaw. Kaya ko naisulat yon. Kaya ngayon, binura ko na. Para wala ng issue.

Mahal kita. Sobra sobra. At hindi ko siguro kayang matulog at tapusin ang araw na 'to na magkagalit tayo. Kaya eto. Sorry. I love you.