Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na 'wag masaktan dahil wala akong karapatan. Pero anong magagawa ko, yun yung pilit na pinapadama ng sistema ko. Yung sakit na yung taong nakasakit lang din ang makakagamot.
Mahirap. Nakakaloko. Nakakaiyak. Nakakaewan. Ang hirap pala kapag naipit ka sa dalawang taong mahal mo. Sa tinuturing mong bestfriend, at sa isang mahal na mahal mo. Hindi mo alam kung sino ang dapat sisihin, kung kanino dapat manumbat, magalit, magtampo at kung sino ang dapat kampihan.
Wala kang magawa kasi wala kang karapatan na diktahan sila pareho. Pilit nilang sinasabi na walang namamagitan pero pilit ding umeepal ang utak mo, paulit ulit mong naririnig ang linyang "akala mo lang wala! pero meron! meron! meron!!".
Nung una, na sakin ang atensyon nya. Ako ang sinasabihan ng problema, ang tagapayo, tagapagpasaya nya. Yata. Ako nga lang siguro ang nag-isip nun. Kunsabagay, likas naman na syang ganun. Na lahat ng tao, mahal nya. Mali, lahat lang pala ng magaganda at popular, mahal nya. Pero pano yung mga hindi? Wala. Maglaway ka.
Kaya siguro. Mas pinili ni ano si ano. Kasi mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas popular. Masakit man pero kailangang tanggapin, na hindi na ikaw ang bida sa buhay nya, kahit na hindi naman talaga noon pa. Kailangang tanggapin na may ibang artista na mas nakahigit sa kakayahan mo. Laos ka na, kumbaga. Naagaw na sayo ang limelight.
Ang masaklap, ngayon pang Araw ng mga Puso. Ngayon pang Araw ng Pag-ibig. Ano pa bang magagawa mo, kundi magtiis, magkunwari na masaya ka, na okay lang ang lahat. Ganun naman talaga, noon pa. Kahit na hirap na hirap kang pasayahin sya dahil alam mong nasasaktan sya dahil sa iba. Anong tawag sayo? KAPiTAL T. Sabi nga, walang manggagamit kung walang magpapagamit. E anong magagawa mo, mahal mo e.
Akala ko noon, kaya ko ng makita sya sa piling ng iba. Hindi pa pala. Malayong malayo pa pala.
Sana lang talaga, maging maingat tayo sa mga kilos natin. Hindi man natin sinasadya, may mga tao tayong nasaktan, nasasaktan at masasaktan kung patuloy tayong magiging manhid sa bawat galaw at salitang bibitawan natin. Kung wala lang yon para satin, siguro sa iba meron. Malaki.
Yun lang. I rest my case. Happy Valentine's Day. Kung Hei Fat Choi.
Sunday, February 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment