Sunday, February 14, 2010

:|

What am I afraid of?

Cockroaches, clowns, falling, death, failure and thieves. And stuff related to you

Like, I’m afraid you’ll finally meet the girl we talk about. I’m afraid that you’ll meet her and you’ll fall in love with her and she’ll fall in love with you too and you’ll ask me for help to attract her attention and, even though it’s like stepping on broken glass for me, I’ll help.

Of course I’ll help. I’m afraid that you’ll choose her, like you did with all those other girls, over me. I’m afraid that if you two get together, I’ll start counting the days until you two break up but then you guys will never break up and so I’ll spend my life counting and waiting. I’m just afraid that I’ll lose you, okay? Does that answer your question? :|

iKAW. OO. iKAW.

Not just once, not just twice, but countless times. Hindi lang tayo isang beses nagkatampuhan/nagkagulo. But despite all those, nanatili ka pa din sa tabi ko, nanatili ka pa ding nagmamahal sakin. Nanatili ka pa ding nandyan para suportahan ako sa bawat pagsubok na dadaanan ko.

Mahal kita. Alam mo yon. Kung hindi man, may Diyos na nakakakita satin. May Diyos na nakakaalam kung gano ka kahalaga sakin. Hindi mo man nararamdaman, pero Siya, alam Niya yon. Kasi, sa tanang buhay ko, ikaw lang ang taong nagparamdam at nagparealize sakin kung gaano kaganda ang buhay. Kung gaano kasarap mabuhay. At kung paano pahalagahan ang mga bagay bagay at taong nakapaligid sakin.

Hindi naman ako nagsulat para saktan ka, paringgan ka o anu man. Sinulat ko yon, dahil yun lang ang tanging paraan para malabas ko ang lahat lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko hinihinging umalis ka sa buhay ko. Hindi ko din hinihinging umalis ka sa buhay niya. Ang gusto ko lang mangyari, mailabas yung nararamdaman ko. Yun lang. Nothing more, nothing less.

Unti unti ko ng tinatanggap ang mga pangyayari, kahit sobrang sakit. Na mas mahalaga ka na sa kanya. Ano bang magagawa ko, buhay nya yon. Desisyon nya yon. At narealize ko, na kahit ilang beses pa tayong magkagulo o magkaaway, walang pakialam yung taong nagiging dahilan kung bakit tayo nagkakaganito. Kasi, ganon sya. Alam ko yon. At alam mo din yon.

Kung nasaktan ka man sa sinulat ko, sorry. Unintentional yon. Patay. Tinamaan pa ko sa sinabi ko. Tss. Pero ganun pa man, gusto ko lang malaman mo na ayoko na umalis ka sa buhay ko. Walang kong sinabing lumayas ka. Hindi kita pinapayagang umalis. Bleh. Malapit na tayong mag-isang taon. Magkakagulo pa ba tayo?

Bago matapos 'tong araw na 'to, gusto ko magkaayos tayo. Gusto ko, magkabati tayo. Kayo. Kung may mga naisulat man ako na nasaktan, inuulit ko, unintentional yon. Siguro nga sobrang nasaktan lang ako. Kasi, may damdamin din naman ako, parang ikaw. Alam mong wala kong ibang nakakausap kundi ikaw. Kaya ko naisulat yon. Kaya ngayon, binura ko na. Para wala ng issue.

Mahal kita. Sobra sobra. At hindi ko siguro kayang matulog at tapusin ang araw na 'to na magkagalit tayo. Kaya eto. Sorry. I love you.

AKALA KO KAYA KO NA.. HiNDi PA PALA..

Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na 'wag masaktan dahil wala akong karapatan. Pero anong magagawa ko, yun yung pilit na pinapadama ng sistema ko. Yung sakit na yung taong nakasakit lang din ang makakagamot.

Mahirap. Nakakaloko. Nakakaiyak. Nakakaewan. Ang hirap pala kapag naipit ka sa dalawang taong mahal mo. Sa tinuturing mong bestfriend, at sa isang mahal na mahal mo. Hindi mo alam kung sino ang dapat sisihin, kung kanino dapat manumbat, magalit, magtampo at kung sino ang dapat kampihan.

Wala kang magawa kasi wala kang karapatan na diktahan sila pareho. Pilit nilang sinasabi na walang namamagitan pero pilit ding umeepal ang utak mo, paulit ulit mong naririnig ang linyang "akala mo lang wala! pero meron! meron! meron!!".

Nung una, na sakin ang atensyon nya. Ako ang sinasabihan ng problema, ang tagapayo, tagapagpasaya nya. Yata. Ako nga lang siguro ang nag-isip nun. Kunsabagay, likas naman na syang ganun. Na lahat ng tao, mahal nya. Mali, lahat lang pala ng magaganda at popular, mahal nya. Pero pano yung mga hindi? Wala. Maglaway ka.

Kaya siguro. Mas pinili ni ano si ano. Kasi mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas popular. Masakit man pero kailangang tanggapin, na hindi na ikaw ang bida sa buhay nya, kahit na hindi naman talaga noon pa. Kailangang tanggapin na may ibang artista na mas nakahigit sa kakayahan mo. Laos ka na, kumbaga. Naagaw na sayo ang limelight.

Ang masaklap, ngayon pang Araw ng mga Puso. Ngayon pang Araw ng Pag-ibig. Ano pa bang magagawa mo, kundi magtiis, magkunwari na masaya ka, na okay lang ang lahat. Ganun naman talaga, noon pa. Kahit na hirap na hirap kang pasayahin sya dahil alam mong nasasaktan sya dahil sa iba. Anong tawag sayo? KAPiTAL T. Sabi nga, walang manggagamit kung walang magpapagamit. E anong magagawa mo, mahal mo e.

Akala ko noon, kaya ko ng makita sya sa piling ng iba. Hindi pa pala. Malayong malayo pa pala.

Sana lang talaga, maging maingat tayo sa mga kilos natin. Hindi man natin sinasadya, may mga tao tayong nasaktan, nasasaktan at masasaktan kung patuloy tayong magiging manhid sa bawat galaw at salitang bibitawan natin. Kung wala lang yon para satin, siguro sa iba meron. Malaki.

Yun lang. I rest my case. Happy Valentine's Day. Kung Hei Fat Choi.